buhay=life. life has its ups and downs. sometimes i want to give up entirely. but then again there is something inside me that thinks that life has still a lot to offer.

Thursday, January 06, 2005

ang sakit sakit

ngayon ko lang narealize..... ang sakit sakit pa rin pala after all these time. one and a half years na ang nagdaan pero ramdam ko parin ang sakit ng pag-ibig. hindi ko naintindihan kung bakit nangyari ang mga nangyari. akala ko naman kasi okay ang lahat. naguusap pa nga kami na sa susunod naming labas kung ano ang gagawin. sabi pa niya na next time daw lumabas kami eto gagawin namin and stuff. pero paghatid niya sa akin nung night na yun.... nakaramdam ako ng kakaibang feeling. feeling na mawawala siya sa buhay ko. hindi ko alam bakit ko nafeel yun. basta nafeel ko lang. sa kasamaang palad... nagkatotoo nga. sobra ko siyang iniyakan. gabi gabi ko siyang iniyakan. hanggang sa panaginip naiisip ko siya. sa panaginip iniiyakan ko pa rin siya. pag gising ko basa ang mga mata ko. higit sa isang buwan akong umiyak araw araw at nadepress ng todo todo. nung mas mabuti buti na ako.... walang araw na hindi ko siya naisip. matagal din bago ko siyang "nakalimutan". pero kagabi lang, bumalik ang lahat ng alaala niya. ang sakit ng nawalang tao.... hay kaya ngayon depressed nanaman ako. bakit ko nga ba minahal yung lalaking yun? hindi ko rin alam. basta hindi ko sinasadyang mahalin siya. nangyari lang ang nangyari.... bahala na bukas kung ano meron... sana lang tuluyan ko na talagang makalimutan si..... para naman sumaya na rin ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home