buhay=life. life has its ups and downs. sometimes i want to give up entirely. but then again there is something inside me that thinks that life has still a lot to offer.

Saturday, October 02, 2004

pag-ibig

hay... pag-ibig. masakit umibig. masayang umibig. masayang panuorin ang pelikulang LOVE ACTUALLY. sana lahat nalang ng pag-ibig ganoon. malabo yon pero pwede namang umasa diba? hahahahaha

napagdaanan ko ang sakit ng pag-ibig. naks.

may nagtanong sa akin, mas gugustuhin ko pa bang hindi nalang naranasan ang pag-ibig. ang sagot ko dun syempre pipiliin ko pa rin ang mapagdaanan yun. kahit masakit siya, meron pa rin namang masyang bagay bagay na palagi kong matatandaan. sabi nga, sa pag-ibig wala namang siguradong hindi masasaktan.

tinanong sa psychology class namin kung ano ang pipiliin mo, the right man at the wrong time or the wrong man at the right time? ako pinili ko yung wrong man at the right time. kasi para sa akin naman sino ba ang makakasabi na ang isang tao na nga ang right man for you. atsaka sa lahat naman ng bagay may compromise diba. pag right man at the wrong time naman, eh di ibig sabihin hindi kayo magkakatuluyan niyan? ang sakit naman nun. aruy! pag wrong person at the right time naman, eh di tignan muna. kung hindi talaga, eh di bago makipaghiwalay diba? pero malay mo maging okay naman.

pero for sure naman kahit ano piliin mo masasaktan ka pa rin eh. kaya in short wag ng pumili.

ang pagmamahal ay saydang mapanuksong bagay. ayoko munang umibig dahil wala ako sa tamang pagiisip pag ako ay nagmamahal. hahaha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home