buhay=life. life has its ups and downs. sometimes i want to give up entirely. but then again there is something inside me that thinks that life has still a lot to offer.

Sunday, October 31, 2004

pagpapaopera

hay.... natapos na ang aking pagpapaopera. medyo masakit pero okay naman. iniisip isip ko nalang ngayon na papayat na ako. hahahahaha

Sunday, October 10, 2004

bawal magkasakit

hay grabe. ang hirap magkasakit. tuesday ako nagkasakit., lagnat, ubo at sipon. hay, i was so helpless. imagine ako ang taong enjoy kumain pero no joke hindi ako kumain nung nagkasakit ako dahil hindi ko malasahan ang pagkain. pumayat ata ako eh hehehehe.

ano pa ba masasabi ko.... well wala naman na. gusto ko lang kasing magpost

Monday, October 04, 2004

groupwork

frustrating ang group work. frustrating siya mas lalao na kung hindi tumutulong ang mga groupmates mo. nakakainis kasi hindi siya nagiging group work, nagiging iba lang ang gumagawa. nakakainis kasi sa semester na ito nadismaya ako sa mga groupmates ko. nadismaya ako kasi hindi siya group effort. yun lang. madami kang makikilala sa groupwork. totoo nga palang test of friendship yan. hindi lang iyon, malalaman mo kung sino nga talaga ang gumagawa at maasahan.

hay ang sama ko nanaman. hay for sure madami akong makakaaway nyan. pero ganyan talaga buhay. eh gusto ko narin na labasin mga sama ng loob ko kasi ewan nakakainis na talaga eh.

Sunday, October 03, 2004

papayat na ata ako

papayat na ata ako. magpapaopera na ako malamang sa sem break ko. hindi naman siya major operation. laporoscopy lang. maglalagay sila ng lap band. hindi siya bariatric surgery. kasi ang paglalagay ng lap band, reversible kaya kung ayaw ko na pwede kong ipatanggal.

naeexcite ako kasi papayat na ako! naeexcite ako dahil makakabili na ako ng mga damit sa ordinary stores tulad ng guess, bench at kamiseta. well sana. pero sabi ng doctor kaya naman daw. for the first time sa adult life ko makakasuot na ako ng damit na nasa uso at "in".... ano kaya epekto nito sa buhay ko/???

hmmm.....

Saturday, October 02, 2004

pag-ibig

hay... pag-ibig. masakit umibig. masayang umibig. masayang panuorin ang pelikulang LOVE ACTUALLY. sana lahat nalang ng pag-ibig ganoon. malabo yon pero pwede namang umasa diba? hahahahaha

napagdaanan ko ang sakit ng pag-ibig. naks.

may nagtanong sa akin, mas gugustuhin ko pa bang hindi nalang naranasan ang pag-ibig. ang sagot ko dun syempre pipiliin ko pa rin ang mapagdaanan yun. kahit masakit siya, meron pa rin namang masyang bagay bagay na palagi kong matatandaan. sabi nga, sa pag-ibig wala namang siguradong hindi masasaktan.

tinanong sa psychology class namin kung ano ang pipiliin mo, the right man at the wrong time or the wrong man at the right time? ako pinili ko yung wrong man at the right time. kasi para sa akin naman sino ba ang makakasabi na ang isang tao na nga ang right man for you. atsaka sa lahat naman ng bagay may compromise diba. pag right man at the wrong time naman, eh di ibig sabihin hindi kayo magkakatuluyan niyan? ang sakit naman nun. aruy! pag wrong person at the right time naman, eh di tignan muna. kung hindi talaga, eh di bago makipaghiwalay diba? pero malay mo maging okay naman.

pero for sure naman kahit ano piliin mo masasaktan ka pa rin eh. kaya in short wag ng pumili.

ang pagmamahal ay saydang mapanuksong bagay. ayoko munang umibig dahil wala ako sa tamang pagiisip pag ako ay nagmamahal. hahaha.

ang aking panimula

ang aking panimula. hindi ko naman alam kung ano talaga ang aking sasabihin. masaya ako dahil nalaman ko ang masayang mundo ng blog. hindi ko rin talaga to alam dati. ngayon ko lang nalaman kung para saan ang blog. siguro nga para malabas ko ang aking nararamdaman. masasabi kong emotional akong tao. pag may nangyari sa akin, nahirapan ako maglet go. mabilis akong mainis at mawalan ng pasensya. sabi ng mga tao demanding ako at masungit. alam ko naman yun. ewan ko kung bakit, alam ko naman pero tuloy ko paring ginagawa. malabo talaga akong kausap.

ang nararamdaman ko ngayon... hindi masaya pero hindi rin malungkot. kung tutuusin mabuti na yan kasi palagi akong malungkot. hindi alam ng tao na madami akong tinatago na hinanakit sa mundo at pasakit ng ibang tao sa akin. kahit na gusto ko man sabihin lantaran ang aking nararamdaman, hindi pwede dahil madami akong masasagasaan. eh di ang labas nyan madami akong makakaaway. pag ganun eh di problema nanaman.

hirap man ako sa buhay ngayon... tanggap ko na ang ibang mga bagay bagay. masakit man tanggapin pero alam kong yan na ang tadhana ko. maaring hindi ako maintindihan ng mga tao... huwag na kayong magpakwento dahil mahaba habang kwentuhan yun. hahahaha.

hanggang dito pala malabo parin ako. hahahahah