minsan isip ko ayaw ko na
minsan isip ko ayaw ko na talagang mabuhay. ang daming pasakit sa buhay ko eh...minsan nakakabaliw na talaga...pagod na akong umiyak nalang ng umiyak. hanggang kailan ba ako iiyak? masyado ng masakit mga mata ko eh. mahapdi na.
bakit kahit ano ang gawin ko...mali pa rin ako. hanggan kailan ba dapat magtiis para sa magulang? kahit ba sinasaktan na niya ako...dapat tanggapin ko nalang ang lahat. hanggang kailan ba dapat respetuhin ang magulang kung hindi naman niya ako nirerespeto?
ang dami kong sinakripisyo para sa pamilya ko...pero sila ba may nisakripisyo na para sa akin?
may nagtanong sa akin na hindi ba kabliwan pa na magtrabaho ako para sa sanggunian? ang sagot ko hindi. dahil sa mga oras na ganito. yun nalang ang naiisip ko na rason...para isipin na madami pa akong kailangan gawin sa buhay ko, na madami pang umaasa sa akin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home