pagmumunimuni tungkol sa pag-ibig
may pinapanood akong mexican soap sa abs-cbn. bad trip nga lang kasi gabi siya! well name niya mirada de mujer. sad lang ng story.... pero maganda naman...
napagusapan namin knina ng friends ko kanina yung the mirror has two faces. modern day story nga talaga siya ng knight in shining armor.
minsan may nagtanong sa akin kung bakit ako nagbabasa ng mga pocketbooks ko...eto lang ang sagot ko dyan... minsan gusto ko lang wag na masyadong mag-isip at magenjoy nalang ng story. yung mga no brainers story... well aaminin ko rin naman na romantic talaga ako. well, closet romantic. hahahaha.
may yearning pa rin naman ako for the great love story of my life...or a love story for that matter. hahahaha. oh well. nagmahal na ako ng dalawang beses eh. nasaktan na rin ako ng dalawang beses. nung una siguro...puppy love lang talaga yun. hahahaha. yung pangalawa...yun na yung pagmamahal talaga. pinili ko na talagang mahalin siya eh kaya nga siguro mas masakit siya. nakalipas na ang isang taon...oh well. ganyan ata talaga ang buhay
pero ang motto ko talaga ngayon...ibang tao nalang maghanap para sa akin. hahahaha. iniisip ko...gusto ko na nga bang magmahal ulit ng tao? ang sagot ko lang dyan....oo naman. medyo wary na nga lang siguro ako ngayon kasi syempre nasaktan na diba. sana lang sa susunod na magmamahal ako...hindi niya sayangin yung pagmamahal ko. pag nagmahal kasi ako...todo todo eh. hay...hirap naman ng buhay. bahala na nga si batman.