ang aking pagkukuru-kuro
minsan hindi ko na maintindihan ang sarili ko. gulong-gulo na rin siguro kasi ako sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. nakakahilo na talaga ang mga bagay-bagay. minsan nga hindi ko narin alam kung saan ako lulugar. may nagsabi sa akin na dapat daw isipin ko nalang minsan ang problema ko at hindi problema ng lahat ng tao.
madaling sabihin na ayaw ko na ngang mangialam sa mga bagay bagay pero syempre minsan mahirap pa rin diba kung alam mo na pne way or another involved ka sa mga pangyayari.
pagmasyado na akong nahihirapan... nagbabasa nalang ako ng libro. dahil sa mga libro ko nahahanap ang pagkatahimik na gusto ko. sa pagbabasa kasi pwede akong pumasok sa aking sariling mundo at dun isipin na ang lahat ay maayos at maging masaya diba. kung hindi man ako nagbabasa...malamang nanonood ako ng mga korean series ko. well. nakakaaliw rin naman kasi sila. medyo weird lang talaga ang ending pero pwede na rin...
ano pa ba ang mga nakakapagpaaliw sa akin? andyan rin naman ang internet. masaya rin ang internet eh. ang daming pwedeng gawin. makakausap mo ang mga kaibigan or mga relatives from abroad. pero sa lahat ng ito. ang hindi lang siguro magiging totoo eh kung masaya ba talaga ako. ang mga aliw naman na ito ay panandalian lang. hindi naman siya magiging sa dulo ng walang hanggan. (talagang pinasok pa yan eh noh)
hmmm... naeexcite na rin naman ako sa pagdating ng full blown job ko sa sanggu. nakakaexcite na meron akong magawa for my fellow humanities but then again nakakatakot rin na baka hindi ko pala kaya yung responsibilidad diba.
madami pa rin akong pagkukuru-kuro. hindi na ata talaga maalis yun. sana lang dumating ang panahon na kahit papano ay mairesolba ko rin ang aking mga pag-iisip.