minsan isip ko...
minsan isip ko ang dami kong dapat sabihin or kwentuhin... pero dumadating ang panahon na mas gusto ka nalang tumahimik at magkuru-kuro sa mga bagay bagay. minsan kasi mahirap magsalita dahil napakasensitibo ng issue.
pinaka malaking pagsubok na siguro sa akin this sem ang marketing. nakakabaliw naman kasi siya talaga eh. hay.... masaya ako na...tumutulong naman groupmates ko. pero masasabi kong may mga social loafers pa rin sa amin. sa sobrang aborido ko...ayaw ko nalang kausapin. kasi baka matuluyan ko na siya/silang awayin.
on a lighter note.... nareach ko yung quota ko sa elections.... tumakbo kasi ako sa sanggunian ng mag-aaral ng ateneo.... in short student council sa ateneo. natense talaga ako na mareach yung quota na iyun. thankfully nareach naman namin. i think panalo naman na... kasi as long as mas madami yung votes ko sa abstain... panalo na...
hindi man mabasa ito ng mga tao... maraming maraming salamat sa lahat ng mga bumoto sa akin. salamat rin sa inyong mga tumulong sa akin makakuha ng boto. hindi ko alam kung hanggang saan ang aking makakaya... pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. :).
SALAMAT, MARAMING SALAMAT.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home