buhay=life. life has its ups and downs. sometimes i want to give up entirely. but then again there is something inside me that thinks that life has still a lot to offer.

Thursday, December 08, 2005

just like heaven...

watched just like heaven last saturday with diane....
story wise... ang weak nga naman ng plot niya but the acting was superb! gusto ko talaga si reese witherspoon. ang galing eh! tapos mark ruffalo pa! sa 13 going on 30 palang sobra na akong nainlove sa kanya. dito sa just like heaven.... hay!!! certified fan na talaga ako. he's so cute....

to fall in love.... i guess it's one of those feeling that can make you feel that you are in heaven... but then it also hurts a lot. pero tama nga yung sabi ni barbra streisand sa movie niya na the mirror has two faces "while it does last, it feels fuckingly great!"

Wednesday, December 07, 2005

the legends... ibang level ka!!!

hmmm thinking of my teachers in college... i must say the others are legends na talaga in school...

first year---
dr. lulu torres-reyes
---> grabe tong teacher na to. super duper boring na nga, hindi pa makatao magbigay ng load ng school work! and who can forget, we discussed the difference of a red red rose to a white white rose for one whole week!

dr. cathy vistro-yu
--->hard teacher no doubt and very strict but i learned a lot from her. minsan lang isip ko sobra siyang serious eh never ko ata narinig tong magjoke sa class hehehe.

dr. jerrold garcia
--->worst sci 10 teacher ever. nakakaiyak maging teacher. okay naman ideas niya eh pero pamatay talaga yung tests niya. ibang level. tanungin ka ba naman kung ano relationship ng machu pichu and the invention of the wheel eh noh tapos sasagutin ka lang na walang connection!

mr. alvin yapan
---> made fil 14 really fun. kakaiba mga discussion namin eh. really recommend him. bait pa. hehehe

mr. edilberto jimenez
---> pure hell talaga to si jimeneeb! kung mahina na yugn faith ko... hay talagang nawala na dahil sa kanya! tsaka grabe naman yung exegesis niya noh. para naman baliw to para magbigay ng ganun ka heavy na load noh

dr. soledad reyes
---> ibang level to si ma'm! hahahaha! kakaibang experience ang thesis namin eh. murder talaga! but then masaya rin kasi ang dami ko ring natutunan sa kanya and she really pushed me, well lahat naman kami sa class eh, to give something that we can say that hey--- this is really good!

fr. arcilla
--->SPEECHIFYING! yan lang ang alam niya. doesn't believe in recitation! ngayong lang ako nakakilala ng teacher na ganito. kakaiba noh? ewan ko kung paano pa ako magsusurvive sa kanya. one word lang ang magdedescribe ng class niya BORING.

fr. dacanay
---> terror teacher nga ba? hahahaha. pero sobrang dami akong natutunan sa kanya. and sobrang funny ng mga discussions niya. and who can forget the metropolis of Bacnotan? hahahaha. well sana naman okay grade ko sa kanya.... hay....

Monday, December 05, 2005

so tired... and spaced out

another hectic day for me today. woke up really early to be able to go to the gym. okay naman, nagweights ako. lumalakas na ata arms ko eh... kasi nakakapagolympic bar na ako with additional weights! gusto ko talaga maging firm yung arms ko. hay the pains of losing weight...yung skin ko tuloy nagsasag. but then okay na rin... worth it naman siya eh.

hindi ko alam pero kanina sa class sobrang zoned out lang talaga ako. hindi ko nga nagets yung pinagsasabi ni mr soh eh... hahaha. tapos sobrang wala ata ako sa sarili ko kasi nasa next article na pala kmi kay fr. dacanay....

ang weird ko nanaman ah... hay ewan. gusto ko nalang matulog at magpahinga pero oh well ang dami pang kailangang gawin!!! gawin ko kaya yung paper ko sa class ni fr. arcilla? deadma lang naman siya eh. hahahaha. ang sama ko....

Sunday, December 04, 2005

interpretation of dreams

inaral namin si freud sa great books last thursday, specifically yung article niya na method of dream interpretation. sinasabi niya dun na yung dreams are from the unconscious raw and para makausap ng unconscious ang conscious, it manifest itself through our dreams... and in a sense our dreams are wish fulfillments daw. parang dito nangyayari kung ano ang hindi mangyari sa real life na gusto natin mangyari...

nagkaroon ako ng dream nung isang araw... isip ko gusto ko nga talaga yun mangyari in real life pero sobrang impossible mangyari... siguro nga tama yung sinasabi ni freud. hay oh well...

i guess no harm in dreaming naman talaga diba? pero diba parang ang sad lang kung hanggang dream nalang talaga siya?

farewell...

nagstarbucks ako nung wednesday (well hindi naman na bago to) at nalaman ko na yung friend ko na barista, si jen, napromote raw and malilipat na siya ng store. dun na daw siya sa metrowalk.... sobra talga akong nasad dun... kasi ibig sabihin minsan ko nalang siya makikita.... kaya farewell ang title ng post ko. pero sabi ko naman sa kanya bibisitahin ko siya dun eh... kung nasa area ako na yun i'll try to drop by and say hello. hahahaha :)

minsan...

minsan naiisip ko bakit kaya ang buhay ganito? puno ng lungkot at problema??? may nagsabi sa akin na tama nga yung sabi dun sa spiderman eh... with greatpower comes great responsibility. pero isip ko hindi ko naman hiningi tong "power" na to diba??? but then again i have to face the big responsibility that comes with... naisip ko tuloy minsan...ano ba yung purpose nito? bakit binigay sa akin? hanggang kailan ko kaya makakaya?

ang tagal na pala...

matagal tagal rin akong hindi nakapost dito sa blog ko hahahaha. one week ago pa last post! sobrang busy kasi sa school eh.... paguwi ko gusto ko nalang matulog dahil sa sobrang pagod...

been very confused lately... well, obvious naman ata yun sa mga recent posts ko... pero i must say a day out with my good friend diane made me smile... in a way, siya lang yung nakakpakita sa akin ng mga realities na ayaw ko harapin or realities na dinedeny ko... sa paguusap namin ni diane kanina... madami dami talaga akong narealize. oh gosh... naiiyak tuloy ako ngayon. madami lang talageng pent up emotions i guess. sana maalis na rin yung pain na nararamdaman ko.

last tuesday.... may class ako ng 4.30-7.30.... grabe yung class na yung ang bagal ng pace. isang activity pwede namang matapos in like 30 mins pero dahil ang bagal ng pace ni ms. lolarga.... 3 hours tuloy ang isang activity. masaya yung activity last tuesday... yung title kasi personal assets. and we had to say something about the other people in the group and at the same time hear others say something about you. natouch talaga ako sa sinabi ng mga tao....you guys made me smile that day. :)